Music

I love Oriental Mindoro deeply for two big reasons: she is the land of my birth, and she became Oriental Mindoro on the same year I was born, 1950.

And so it has always been my dream to write a book about her. However, a book is something you put on the shelf after reading. I was targeting a platform more interactive, more affecting, more heartwarming.

So I wrote her a hymn entitled Mindoro Oriental. And the songs kept coming one after the other. Tamaraw, Kapatid Kong Mangyan, Lawa ng Naujan, Sinulbot…. and more, Every two weeks hereon, I wish to share with you these songs one by one.

BALIK KA NA SA MINDORO

Lyrics & Music
MARITES ALBERTO GONZAGA

Arrangement & Orchestration
PIPO OMALLAO CIFRA

Vocals
LORNA CIFRA

Video Editor
DARWIN GIAN

Video Footages
FRANZ TRINIDAD
Mindoro Philippines DJI Phantom 3

DT77
Calapan to Bulalacao Roro Roadtrip

WIIZARDHP
SuperCat23 Docking at Calapan Port

Photos
Dr. Annalyne Capote
Engr. Eisen Montellano
Ma. Nanette M. Geronimo
Vivian M. Millanes
Bless Villegas Asturias
Nilo Manongsong
Pascua Photo Studio Calapan

 


 

BUNDOK HALKON

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Ang bundok ng Halcon
Ay sandigang matibay
Nang Mindoreñong taal
Kambal-lalawigang
Kanyang niluwal
Katig nyang taglay.

Ang gubat n’yang birhen
Ay dambanang kanlungan
Nang maamong Mangyan
At s’yang pastulan
Nitong Tamaraw
Yaman ngang tunay.

Koro 1: Halkon! Halkon!
Iyong ibangon
Anak mong Mindoreño
Halkon! Halkon!
Iyong isulong
Bukas ng taga-Mindoro!

Ang taas nyang tampok
Ay moog na matibay
Nang Mindoreñong masikhay
Sa laban ng buhay
Walang inurungan
Alang sa bayan.

Koro 2: Halkon! Halkon!
Ikaw ang simbolo
Matapang na Mindoreño
Halkon! Halkon!
Sa libo mang bagyo
Lakas ka ng Mindoro!

(Ulitin Koro 1)


 

 

MINDORO ORIENTAL

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Dito sa dakong katimugan
Dito ako’t ikaw’y sinilang
Gintong pulo, gintong duyan
Nang iwi ’tang kamusmusan.

Sa dibdib nya ako’y hinele
Sa bisig nya ako’y kandili
Kahit saan man magawi
Sa ‘yo pa rin uuwi.

KORO 1:

Mindoro Oriental na aking bayan
Pugad ng kay saya kong kabataan
Aking tahanan, aking sandigan
Ikaw lang ang aking mahal.

Bundok, lawa, ilog nya’t dagat
Bukid, parang, langit at gubat
Katutubong dugo’t ugat
Larawan mong yamang likas.

KORO 2:

Mindoro Oriental na aking bayan
Pugad ng kaysaya kong kabataan
Aking tanggulan, aking kanlungan
Ikaw lang ang aking mahal.

(Ulitin ang Koro 2 ng 2 beses)

 


 

 

TAMARAW

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Dito lamang sa kabundukan
Dito sa dakong katimugan
Dito sa Mindoro
Dito ang tahanan
Nang malayang Tamaraw.

Di ba’t wika n’yaong Lumikha
Kitang tagarito ang magpala
Ito’ng ating takda
Ang ating tadhana
Kanlungin ang Tamaraw.

H’wag mo ng abalahin pa
H’wag ng tinagin sa kanyang lupa
Sa piling ng mga ibo’t
Halamang ligaw
Kusang dadami ang Tamaraw.

Kung sakaling ikaw ay magawi
Kung saan sila’y nanginginain
Ma’nong masdan na lang
At h’wag ng salingin
Ang malayang Tamaraw.

H’wag mo ng abalahin pa
H’wag ng tinagin sa kanyang lupa
Sa piling ng mga ibo’t
Halamang ligaw
Kusang dadami ang Tamaraw. (2 X)

Malayang dadami ang Tamaraw.

 


 

BALIK KA NA SA MINDORO

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Kahit ga’nong kalayo
Ang ‘yong marating
Balang araw ay uuwi rin
Sa ‘ting lalawigang
‘Yong pinanggalingan
Pugad ng kahapon
Ng iyong kabataan.

Sa pagtayog at inog
Ng mga pangarap
Hanggang matupad ang lahat
Alaala pa rin
Dati mong lumipas
Paraisong isla
Ng iyong tuwa’t galak.

KORO:
Halika na
Balik ka na sa Mindoro
Naghihintay, kumakaway ang kahapong
Tigib ng saya at ligaya
Halika na
Balik ka na sa Mindoro.

Damhin mo ang tibok
Ng puso mong uhaw
Sabik sa dati mong bayan
Si ama’t si ina’y
Lagi ng naghihintay
Sa pagbabalik pa
Ng bunsong minamahal.

(Ulitin ang Koro)


 

BLACK RICE

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

May himala ang kalikasan
Sa Puerto Galera
Kung masdan mo sa tabing dagat
Ay may naiiba
Mga mumunting butil
Na hugis ay bigas
Ngunit nangingitim na waring nasilab!

Sabi nila ito raw’y nagmula
Sa gitna ng laot
Nang lumiyab ang mga barko
Ng Kastilang nanakop
Mga libo-libong sakong
Inagaw na pagkain
Sa mga bituka
Ng kabayan ‘tang inalipin!

KORO:
Nasunog, nalubog
Ang mumunting butil
At ng maglao’y
Naging bigas na itim.

Black rice, black rice
Black rice kung tawagin
Kasaysayang
Pagkalalim-lalim.

Kung bumalik ka namang muli
Sa Puerto Galera
Ay pakinggan mo na rin sana
Istorya pang iba
Maliban sa dagat
At sa puting buhangin
Sana ay alaming
May bigas na nangitim!
(Ulitin ang Koro 2X)

 


 

KAPATID KONG MANGYAN

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Kapatid kong Mangyan
Kapatid kong tunay
Kadikit ng puso’t
Aking kamalayan.

Tawad ang hiling ko
Kung kita’y ginambala
Sa iyong paraisong
Lupang pinagpala.

KORO 1: Ihehele kita sa awit ng ‘yong Nanay
Nang munti kang bata at wala pang malay
Aawitan kita ng bulong ng ‘yong puso
Manawaring hayaan sa tahimik mong kubo.

Kapatid kong Mangyan
Una kang sinilang
Sa ‘ting lalawigang
Ikaw ang nagyaman.

Tawad ang hiling ko
Nang ikaw’y pagtabuyan
Nalugmok sa hirap
Nasadlak sa gubat.

KORO 2: Sasaluhan kita ng bagong pag-asa
Manawaring mabawi ang lupa mong minana
Ibabangon kita, bagtasin ang ‘yong bukas
Ito na ang araw at iyong umaga!

(Ulitin ang Koro 1)

Kapatid kong Mangyan
kapatid kong Mangyan

 


 

SINULBOT

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Alam mo ba’ng sinulbot?
Alam mo ba ang hawot?
Pati na ang aglipay
Panlaban sa pizza pie!

Alam mo ba ang uloy?
Pati na ang balanoy?
Kung matikman mo ang tatos
Alakdang dagat taob!

KORO: O kay sarap dito sa Mindoro
Malulusog ang mga tao
Tuloy- tuloy ang pag-asenso!
Halika na sa Mindoro! (Hoy! Hoy! Hoy! Hoy!)

Alam mo ba’ng tabayag?
Pinais na dumpilas?
Tinuhog na tuun-tuon
O kay tamis ng tutong!

Alam mo bang sagimis?
Bunggan at kalamismis?
Balatong, dila-dila
At malambot na mura!

(Ulitin ang Koro),

Alam mo ba’ng panganan?
Alam mo ba ang lukban?
Sinegwelas ‘merkano
Paho at tomo-tomo!

Alam mo ba’ng pinindot?
Sa init napasinghot
Kaning kape ang sabaw
Tanggal agad ang lumbay!

(Ulitin ang Koro 2 beses)

 


 

LAWA NG NAUJAN

Music & Lyrics: Marites Alberto Gonzaga

Lawa ng Naujan
Lawa ng buhay
Tubig sa langit
Pinatak ng ulan.

Bayan kong Naujan
Bayan kong hirang
Duyan ng lawang
Biyaya ang taglay!

Koro: La la la la la la la la
Hai iya iya iyay
Hai iya iyay….

Lawa ng Naujan
Bahay ng ibong
Galing sa malayo
Bagwis idinapo.

Kunin ang lambat
Sa lawa ilatag
Ang isdang mabitag
Banglis at simbad!
(Ulitin ang Koro)
Kunin ang bangka
Isakay ang bata
Syang mag-aalaga
Sa banal na lawa.

Lawa ng Naujan
Lawa ng buhay
Bantayan ang lawang
Biyaya ang taglay.
(Ulitin ang Koro 3 x)

 


 

Music

I love Oriental Mindoro deeply because she is the land of my birth, and because we were born the same year, 1950. So I keep writing songs about her.

View More

Images

Museyo Mindoro would like to show you the most heartwarming images of Oriental Mindoro the way you have never seen her before.

View More

Videos

For easier access, Museyo Mindoro refers you to the links to Youtube Videos featuring people, places, culture, and events happening in Oriental Mindoro.

View More

Artifacts

In a virtual gallery setting, Museyo Mindoro exhibits natural objects and artifacts unique to Oriental Mindoro to help you discover and enjoy our province better.

View More